=

Marcaida: handa ako sa mga kakaharaping problema


Matapos manumpa bilang alkalde ng lungsod kamakalawa alinsunod sa rule of succession at sa Section 44 ng Local Government Code of 1991, tiniyak ni Mayor Luis Marcaida III na handa siya sa mga posibleng mangyari sa kanyang panunungkulan.

Naging usap-usapan sa Media at sa Facebook nitong mga nakaraang araw ang pagiging “tahimik” ni Marcaida sa mga isyu, ang mga haka-haka na mayroon siyang sariling plano para pamunuan ang lungsod, at ang posibleng pagtanggal sa kanya sa Kuridas Team.

“Bago po ako nagdesisyon, pinag-isipan ko po itong mabuti at akin naman pong tatanggapin lahat po ng ating makakasalubong na mga problema dito sa lungsod, kasama po sa pinanumpaan ko na maging handa sa lahat ng pagkakataon na magkaroon problema sa posisyon na mas mataas sa akin, kaya po sana maintindihan ito ng lahat”, ani Marcaida sa panayam ng Media.

“Gusto ko po sama-sama pa din tayo, sasabihin ko sa kanila ang direksyon na gusto ni Mayor Bayron dahil doon tayo patungo”, dagdag pa niya.

Samantala, nagkaroon naman ng misa sa Session Hall kahapon bilang bahagi ng aktibidad sa unang araw ng kanyang panunungkulan bilang punong-ehekutibo.

Nakipag-usap rin ang alkalde sa mga project managers na manatili sa kanilang mga puwesto.

This material may not be published, broadcast, rewritten, or redistributed. © Copyright 2018 - Qubes Publication and Ads Promotion. All rights reserved.

You may also like...

Add a Comment

Your email address will not be published.