Manila boys huli sa iligal na droga sa Culion, Palawan


Dalawang binata na buhat sa Manila ang nahulihan ng ipinagbabawal na droga sa isinagawang buy-bust operation ng mga otoridad sa Bgy. Tiza, Culion, Palawan, madaling-araw ng ika-7 ng Marso.

 

Kinilala ang mga suspek na sina Bautis Lomogdong Sagrada, alias “JR”, 23 anyos, binata at Mark Anthony Mateo Santos alias “Koy-Koy”, 28 anyos, binata at kapwa mga residente ng Caloocan City.

 

Sa impormasyon na nakalap mula kay  Culion Chief Police Senior Inspector Thirz Starky Timbancaya, nakatanggap umano sila ng impormasyon buhat sa isang concerned citizen na may lalaking nagbebenta at gumagamit ng ipinagbabawal na gamot kaya agaran ang isinagawa nilang buy-bust operation.

 

Kasong paglabag sa ilang probisyon ng Republic Act no 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Acts of 2002 ang kakaharapin ng mga suspek.

 

Samantala, nakatakda namang ilipat sa kustodiya ng Palawan Provincial Jail ang mga nahuling suspek.

 

 

Use of materials from this Website, including any commercial use, reproduction, distribution, re-publication, broadcast, and display or performed, without prior permission of Qubes Publication and Ads Promotion is strictly prohibited.

You may also like...