Mangingisdang nanaksak, walang takas

Ang suspek na si Junel Armenia, 21, single, mangingisda, habang kinakausap ng police dahil sa pananaksak umano sa biktimang si Mark Nathaniel Tesorio. (Photo courtesy of City Police Office)


Inaresto kagabi ang isang mangingisdang suspek sa pananaksak sa isang 18 taong gulang na lalaki sa basketball court sa Barangay Mangingisda dahil sa paghihiganti bunga ng isang lumang alitan.

Kinilala ang naarestong suspek ni PO1 Felix Rivera na si Junel Armenia, 21, single, mangingisda, at residente ng naturang barangay rin.

Ang kanya diumanong nasaksak ay si Mark Nathaniel Tesorio, 18, single, at isa ring mangingisda sa nasabing barangay.

Ayon sa ibinahaging spot report ni PO1 Rivera, lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na sinugod ng suspek ang biktima sa labas ng basketball court ng Mangingisda dahil sa lumang alitan.

Naglabas diumano ito ng kutsilyo at pinagsasaksak si Tesorio na nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan. Isinugod siya sa Ospital ng Palawan (ONP) para sa emergency care.

You may also like...