Mangingisda sa Cuyo nahulihan ng dinamita

Ang Cuyo ay isang fourth class municipality sa lalawigan ng Palawan.


Arestado ng pinagsanib na puwersa ng Cuyo Municipal Police Station at Task Force Yamang Dagat ang isang mangingisda kahapon, October 28, dahil sa pagkakaroon ng dinamita sa kanyang bangka.
Pinangunahan ni SPO3 Joel Magbanua ang pag-aresto sa suspek na si Jerry Caabay, 38, at residente ng Cuyo, sa Barangay Cabigsing.
Apat na bote ng improvised na dinamita ang nakumpiska sa kanya, kasama ang 25 kilos ng ammonium nitrate.
Sa ngayon ay nasa kustodiya siya ng Cuyo MPS kung saan inihahanda ang mga dokumentong kailangan para sa pagsasampa ng kaso laban sa kanya. Mahaharap siya sa kasong paglabag sa Section 88 ng Republic Act 8550, o ang Philippine Fisheries Law.

This material may not be published, broadcast, rewritten, or redistributed. © Copyright 2018 - Qubes Publication and Ads Promotion. All rights reserved.

You may also like...

Add a Comment

Your email address will not be published.