Mangingisda natagpuang patay sa baybayain ng Brgy. Salvacion, Roxas


Isang bangkay ang natagpuan sa baybayin ng Sitio Maugong, Brgy. Salvacion sa bayan ng Roxas kaninang umaga, Nobyembre 16.

Ang bangkay ay si Orlando Nalica, 62 tong gulang, may asawa at residente ng Sitio Maugong.

Dalawang anggulo ang tinitingnan na siyang dahilan ng pagkamatay ng biktima. Una, hinihiinala ng pamilya ng biktima na maaari umanong nalunod ito dahil lumubog ng bangka na sinaskyan nito kagabi dulot  ng malakas na hangin at alon.

Batay naman sa imbestigasyon ng mga otoridad nakainom ng alak si Nalica bago ito pumalaot kaninang madaing-araw  at nakatulog ang bikima sa sarili nitong bangka kaya ito ay nalunod.

Natagpuan ang bangkay ni Nalica na nakaahandusay sa baybayin ng naturang lugar at  halos natatabunan na ng buhangin ang katawan nito.

 

This material may not be published, broadcast, rewritten, or redistributed. © Copyright 2018 - Qubes Publication and Ads Promotion. All rights reserved.

You may also like...

1 Comment

Add a Comment

Your email address will not be published.