Mangingisda nalunod matapos atakihin ng hypertension habang sumisisid sa dagat


Patay nang natagpuan si Arnel Pullapoy, 34 anyos at residente ng Sitio Padang Bgy Pulot Shore , Sofronio Española na posibleng inatake ng hypertension habang naninisid noong Biyernes, ika-15 ng Abril sa karagatang sakop ng Kumay –kumay Island, Brgy Panitian sa naturang bayan.

 

Batay sa spot report ng Espanola Municipal Police, magkasama umano ang biktima at si Dennis Sola na nangingisda sakay ng isang bangka. Sabay umanong tumalon at nanisid ang dalawa.  Makalipas ang dalawang oras ay hindi pa rin umaahon ang biktima. Hindi nagtagal nakita na lamang na palutang-lutang na ang katawan ng biktima at wala na itong buhay.

 

Ayon kay Sola, bago pa man nangyari ang pagkalunod ay nagrereklamo na ang bitima na masama umano ang pakiramdam nito.

 

Naging problema rin umano nila ang ang malalaking alon sa karagatan at sobrang init ng panahon na naging sanhi ng pagtaas ng presyon ng dugo ng biktima.

 

Hindi na isinailalim sa autopsy ang bangkay dahil kumbinsida ang pamilya na walang foul play sa nangyari.

 

Use of materials from this Website, including any commercial use, reproduction, distribution, re-publication, broadcast, and display or performed, without prior permission of Qubes Publication and Ads Promotion is strictly prohibited.

You may also like...