Magulang ng bata na nalunod sa isang resort magsasampa ng kaso


Sinisisi ngayon ng mga magulang ng walong gulang na bata na nalunod sa isang beach resort sa Brgy. 3, Roxas, Palawan noong ika- 26 ng Disyembre dahil umano’y walang lifeguards nang mangyari ang insidente.

 

Sa imbestigasyon ng Roxas PNP sa pamumuno ni Police Chief Inspector Salvador Tabi, sumama ung bata sa kanyang tiyahin para mag-outing sa resort kasama ang mga kaibigan. Bigla umanong nawala ang bata at nang kanila umano itong hanapin kanilang nakita na nakadapa ito sa pinakamalalim na bahagi ng swimming pool.

 

Agad na humingi ng tulong ang tiyahin nito sa kanyang mga kaibigan upang madala ang biktima sa pinakamalapit na pagamutan subalit idineklara  itong patay ng doktor na tumingin dito.

 

Sinisisi ng pamilya ng biktima ang insidente sa may-ari ng resort  dahil sa umanoy kawalan nito ng life guards noong mga oras na nangyari ang insidente. Wala rin umanong koordinasyon ang pamunuan ng resort sa pagdala ng biktima sa pagamutan.

 

Napag-alaman  na walang Permit to Operate at Mayors Permit ang nasabing resort.

 

Desidido ang mga magulang ng bata na magsampa ng kaukulang kaso laban sa may-ari at pamunuan ng resort.

Use of materials from this Website, including any commercial use, reproduction, distribution, re-publication, broadcast, and display or performed, without prior permission of Qubes Publication and Ads Promotion is strictly prohibited.

You may also like...