Magsasaka, sugatan sa pananaga sa Bataraza


Sugatan ang isang 19-anyos na magsasaka matapos itong tangkaing patayin ng kanyang kasamahan sa trabaho sa isang palayan sa Bataraza noong March 8.

Ang biktima ay kinilalang si Eddie Allie na nakatira sa Barangay Inogbong, Bataraza. Ang suspek naman na katrabaho nito ay pinangalanan namang si Adak Mohammad, 23.

Pag-aaway sa trabaho ang tinutukoy na dahilan kung bakit tinaga ng suspek ang biktima.

Gamit ang isang itak ay tinaga umano ni Mohammad ang biktima na tinamaan sa likod na bahagi ng kanyang ulo.

Dinala sa rural health unit (RHU) ang biktima na agad ding inilipat sa Southern Palawan Provincial Hospital sa bayan ng Brooke’s Point.

Ang suspek ay nakakulong sa Bataraza Municipal Police Station (MPS).

You may also like...