Magsasaka sa Bacungan, patay sa palakol


Patay matapos palakulin diumano ng suspek na si Allan Cabate ang magsasakang biktima na kinilala lamang ng Police Station 2 na si “Alias Bunso” noong hapon ng February 11 sa Sitio San Carlos, Barangay Bacungan.

Ayon sa spot report na ni-release ni PSI Felix Rivera ng Police Station 2, City Police Office (CPO), naaresto din ang 32 anyos na si Cabate kaagad sa Bacungan ng mga rumespondeng pulis matapos ang krimen bandang alas 3 ng hapon.

Lumalabas na napatay ni Cabate ang suspek sa isang inuman kung saan kasama nila ang kapitbahay na kinilalang si Melchor Dacanay.

 

Nang magpaalam na si Dacanay na uuwi, sinundan umano ito ni Alias Bunso at hinamon ng “duel.” Sinuntok nito si Dacanay na hindi tinamaan dahil nakailag.

Akma namang aawat si Cabate na may hawak na palakol pero siya ay sinuntok ng biktima na naging dahilan kung bakit pinalakol niya ito.

Nakalagay sa spot report na ilang beses pinalakol ng suspek si Alias Bunso sa likod na siyang naging dahilan ng kamatayan nito.

Hindi pa masabi ng patuloy na isinasagawang imbestigasyon kung ano ang dahilan ng panghahamon ng biktima kay Dacanay.

Inihahanda na ang isasampa na kasong murder laban kay Cabate.

This material may not be published, broadcast, rewritten, or redistributed. © Copyright 2018 - Qubes Publication and Ads Promotion. All rights reserved.

You may also like...