Magkamag-anak hinuli dahil sa kasong illegal logging


Hinuli ng Criminal Investigation and Detection Group sa pamumuno ni  Police Chief Inspector Danilo Masido Tarun,ang pitong suspek na pawang magkakamag-anak sa Sitio Bubusawin, Brgy. Apurawan, Aborlan dahil sa kasong illegal logging at illegal kaingin o paglabag sa Presidential Decree 705 (Forestry Code).

 

Ayon kay SPO2 Tony Magbanua ang Department of Environment and Natural Resources ang nagsampa ng kaso at hindi pa batid ang buong detalye ng kaso.

 

Ang Warrant of Arrest ay inilabas ni  Judge Ambrocio B. De Luna ng Regional Trial Court Branch 51 sa ilalim ng criminal case # 31893. Walang inirekomendang piyansa ang husgado para sa kaso.

 

Unang naaresto pasado alas otso kagabi, ika-7 ng Enero, sina Valentina Gansing, Nenita Gansing at Ailyn Gansing.

 

Sinundan ito sa pagkakahuli pasado alas sais kaninang umaga, ika-8 ng Enero, nina Leopoldo Gansing, Rodrigo Gansing, Elvie Gansing, at Roming Gansing.

 

Ang mga naarestong suspek ay na turned-over na ng  CIDG-PALAWAN sa provincial jail.

 

You may also like...