Mag-asawa, timbog sa Narra dahil sa droga


Inaresto sa isang buy bust operation ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) ng provincial PNP ang mag-asawang kinilalang sina Marcelio at Rosel Bedio sa bayan ng Narra noong Abril 30, bandang 6:30 p.m., dahil sa pagbebenta umano ng iligal na droga.

Ang mag-asawa ay residente ng Barangay Poblacion, Narra, ayon kay Chief Inspector Romerico Remo na siyang namuno sa buy bust.

Lantaran diumano ang pagbebenta ng mga Bedio ng droga sa Narra kaya nagsagawa ng operasyon laban sa mga ito ang PDEU.

Sabi ni Remo, front ng mag-asawa ang negosyong pagpapa-utang ng pera pero ang talagang negosyo ng mga ito ay ang sinasabing pagbebenta ng droga.

Nakuha sa mag-asawa ang dalawang pakete ng pinaghihinalaang shabu, mga cellphone, at mahiging P30 thousand na posible rin umanong galing sa pagbebenta ng droga.

Kilala rin umanong “untouchable” ang mag-asawang Bedio sa kanilang lugar sa Narra dahil na rin sa koneksyon ng mga ito.

You may also like...