Lolo na may kasong rape, nahuli


Kasalukuyang nakakulong sa Puerto Princesa City Jail  ang isang lolo dahil sa kasong two counts ng statutory rape.

Ang suspek ay si Rodolfo Tocante, 72 taong gulang, may asawa at residente ng Siti Bucana, Brgy. Matahimik.

Si Tocante ay nahuli ng Irawan Police  sa naturang lugar kaninang madaling araw sa bisa ng  warrant of arrest na inilabas ni Judge Jose Bayani Usman ng Regional Trial Court Branch 50 at criminal case no. 31625-26.

Walang piyansa ang kaso na kinakaharap ng suspek.

This material may not be published, broadcast, rewritten, or redistributed. © Copyright 2018 - Qubes Publication and Ads Promotion. All rights reserved.

You may also like...

Add a Comment

Your email address will not be published.