Lindol sa Bataraza hindi pa kinukumpirma ng PHIVOLCS

Bataraza town plaza (photo by Ton Abengoza/PN Photojournalist)


Hindi kinukumpirma ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na totoong may nangyaring lindol sa bayan ng Bataraza kaninang 4:40 ng hapon.

Ayon sa PHIVOLCS wala umano silang natatanggap na ulat hinggil sa pangyayaring ito.

Ayon kay Marcial L. Deloso Municipal Roving Bookkeeper ng DSWD Pantawid Pamilya Program, naramdaman nila ang pagyanig ng lupa sa Bgy. Marangas na tumagal ng halos 3 hanggang 5 segundo.

Ito rin ang ng naranasan ni Board Member Abraham M. Ibba habang sya ay nasa kanyang tahanan sa Bgy. Marangas. Bigla na lamang umano yumanig ang lupa. Maging ang mga baso at ibang mga gamit sa kanilang tahanan ay gumalaw.

Ang ilang empleyado sa munisipyo ay nagtakbuhan palabas ng opisina sa sobrang taranta samantala ang mga kalapit na barangay kagaya ng Bono-Bono at Inogbong ay nakaranas din ng pagyanig.

Kaugnay nito kinumpirma naman ni Marlen Gamo Municipal Disaster Risk Reduction Management Officer (MDRRMO) ng Bataraza ang pangyayari ngunit hindi pa nila matukoy kung gaano kalakas o intensity ang lindol. Wala namang naitalang nasaktan pangyayari.

This material may not be published, broadcast, rewritten, or redistributed. © Copyright 2018 - Qubes Publication and Ads Promotion. All rights reserved.

You may also like...

Add a Comment

Your email address will not be published.