Lalaking nagwala sa construction site, sandaling dinetine ng pulis


Isang lalaki ang pansamantalang na-detine ng mga pulis ng City PNP Station 1 noong Biyernes (June 8) ng umaga matapos umanong manggulo nito at manakit ng ilan sa isang construction sa Wescom Road, Barangay San Miguel.

Kinilala ang lalaki ni PO2 Mark Magbanua na si Victorino dela Cruz, 42 anyos, na residente rin ng nasabing lugar. Nagpakilala umano itong pulis sa mga trabahador sa construction site at nagsabi pang bata siya ni dating PNP director general Ronald “Bato” dela Rosa.

Bukod dito, nagwala din kasi ito sa loob ng City PNP Station 1 at hinamon ng suntukan ang mga pulis na nandoon. Nasira nito ang pinto ng police station at nasipa ang isang pulis bago pa ito napigilan sa pagwawala.

Pinakawalan din ito noong Biyernes matapos malaman sa kapatid nito na ayaw pabanggit ng pangalan na ito ay mayroong problema sa pag-iisip. Nagwala umano si Dela Cruz dahil may gusto itong hindi naibigay sa kanya.

 

You may also like...