Lalaking humihithit ng marijuana, huli sa akto

Ang suspek na nahuling gumagamit ng marijuana


Huli sa akto ang isang lalaki habang gumagamit ito ng umano’y marijuana sa loob mismo ng kanyang sasakyan noong madaling araw ng Abril 5 sa Old Buncag, Barangay Mandaragat.

Ang nahuling suspek ay kinilala lamang muna ni Inspector Ray Alon Elona na si “Alyas Anthony.” Ayon sa kanya, pauwi na siya ng madaanan niya ang isang kulay itim na kotse na nakaparada sa gilid ng kalsada at pinanggagalingan ng kakaibang amoy.

Agad umanong nilapitan ni Elona ang kotse at dito ay naabutan niya ang suspek na gumagamit ng marijuana ng kanyang komprontahin at siya ay magpakilalang pulis.

Nakuha kay Alyas Anthony ang isang maliit na stick ng marijuana. Aminado naman ito na sa kanya galing ang marijuana.

Nakatakda itong sampahan ng kaso sa paglabag sa Section 15 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act.

You may also like...