Lalaki patay sa hit-and-run sa bayan ng Narra

Municipal Hall of Narra (Photo/Ton Abengoza)


Patay sa isang hit-and-run incident ang isang 42 taong gulang na lalaki sa bayan ng Narra at hanggang ngayon ay iniimbestigahan pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng may-ari ng sasakyan at ang driver nito na responsable sa pangyayari.
Sinubukan pa rin umanong isugod sa pagamutan ang biktimang kinilalang si Robilo Baco, residente ng Barangay Maasin, bayan ng Quezon, pero idineklara itong dead-on-arrival (DOA) ng attending physician nito.
Sa inisyal na imbestigasyon ng Narra PNP sa pangunguna ni PO2 Oliver Lagan, nabatid na nangyari ang aksidente malapit sa Malatgao Bridge pasado alas onse ng gabi nitong Huwebes, October 29.
Nagiging pahirapan naman diumano ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad dahil sa walang nakakita sa pangyayari.
Nananawagan ang pamilya ng biktima sa driver na nakasagasa na lumutang na at ilahad ang buong pangyayari, at ganoon din ang harapin ang problema.
Kasong reckless imprudence resulting to homicide ang nakatakdang kaharapin ng driver sakaling mapasakamay na ito ng mga pulis.

You may also like...

Add a Comment

Your email address will not be published.