Lalake patay matapos tumangkang mang-hostage


Dead on arrival sa ospital si Benigno Calalin Y Ita,  matapos itong tagain at saksakin ng ama ng bata na tinangka niyang i-hostage,, ika-5 ng Disyembre sa Brgy.  Bagong Sikat, Lungsod ng Puerto Princesa.

 

Batay sa salaysay ng ina ng bata, lasing na nag-amok ang biktima at nang kanya umano itong sitahin tumakbo sa kusina ang biktima at binitbit ang kanyang anak. Sumisigaw umano syang humingi ng tulong  at agad na rumesponde ang ama ng bata bitbit ang isang itak. Nagtamo ng tatlong taga at tatlong saksak sa ibat-ibang parte ng katawan ang hostage taker na siya ring biktima.

 

Sinubukan pang itakbo sa pagamutan ang suspek subalit idineklara itond dead on arrival ng doktor.

 

Agad namang sumuko sa Mendoza Police Station ang suspek na si Fermin Jatulan. Sa kasalukuyan, ay nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang malalimang imbestigasyon ng mga pulis sa insidente.

You may also like...