Labi ng mga sundalong nakalibing sa Plaza Cuartel, iuuwi sa mga pamilya


Sa pamamagitan ng Palawan Liberation Task Force, inilunsad kamakailan sa Palawan ang proyektong ‘Archaeological and Historical Investigations’ na may layong hukayin ang mga labi ng mga sundalong nakalibing sa Plaza Cuartel, Puerto Princesa at maibalik ang mga ito sa kani-kanilang mga pamilya. Kabahagi ang History Flight, Inc, ang nasabing proyekto ay kaugnay pa rin ng pagdiriwang ng programang ‘A Salute to Valor: Palawan Liberation’ na isinagawa noong ika-22 ng Abril, taong kasalukuyan.

 

 

 

Ayon kay G. Paul Schimer ng History Flight, Inc., bago pa man ang paglulunsad ng proyekto ay nagsagawa na ng pananaliksik ang kanilang grupo. Inaasahang magsisimula ang paghuhukay ng mga labi sa buwan ng Mayo ngayong taon.

 

 

 

Nagpasalamat naman si Schimer sa lokal na pamahalaan ng Palawan at sa iba pang miyembro ng nasabing task force para sa suporta ng mga ito sa proyekto.

 

 

Ang Palawan Liberation Task Force ay binubuo ng provincial government, city government ng Puerto Princesa, Puerto Princesa Chamber of Commerce and Industry, Inc., Palawan Tourism Council, Filipino-American Memorial Endowment, Palawan Special Battalion WWII Museum, at ng Rajah Travel Corporation.

 

 

 

Ang History Flight, Inc. ay isa namang non-profit agency na umiikot sa mundo upang hukayin ang mga labi ng mga sundalong nagbuwis ng kanilang buhay noong World War II. Layunin ng grupo ang maibalik ang mga labi sa mga kamag-anak para sa kanilang maayos na pagpapalibing.

This material may not be published, broadcast, rewritten, or redistributed. © Copyright 2018 - Qubes Publication and Ads Promotion. All rights reserved.

You may also like...

Add a Comment

Your email address will not be published.