Katutubo patay sa Sofronio Española


PAGNANAKAW umano ang motibo ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek sa insidente ng pagpatay sa  lolo na isang katutubong Palaw’an sa bayan ng Sofronio Española matapos na pasukin ito sa kanyang bahay at  barilin.

Sa salaysay ng mga kamag-anak ng biktima kay SPO4 Leslie N. Inog, officer in-charge ng Sofronio Española, pwersahan umanong binuksan ng dalawang naka- bonnet na suspek ang pinto at sinabihan ang biktima na ilabas nito ang kanyang pera subalit walang maibigay na pera ang biktima.

Nanlaban umano ang lolo sa dalawang armadong lalaki at ito ay nabaril ng mga suspek na tumama sa dibdib nito.

Posible umanong shotgun ang ginamit na armas ng salarin dahil sa tindi ng tama na tinamo ng lolo.

Itinanggi naman ng pulisya ang balitang posibleng New Peoples Army ang may gawa ng krimen.

Sa ngayon ay masusi pa rin ang ginagawang imbestigasyon ng mga pulis hinggil sa pangyayari para sa pagkakilanlan at pagkakadakip ng suspek.

This material may not be published, broadcast, rewritten, or redistributed. © Copyright 2018 - Qubes Publication and Ads Promotion. All rights reserved.

You may also like...

Add a Comment

Your email address will not be published.