Kasong perjury isasampa ni Hagedorn sa mga taong nagkaso ng plunder laban sa kanya

MV Beatriz, a cargo vessel loaded with palm oil products makes its first voyage from the Municipality of Brooke’s Point to Kudat, Malaysia.

ni Grace Belostrino

PUERTO PRINCESA CITY Kakasuhan ni dating Puerto Princesa City Mayor Edward S. Hagedorn ng kasong perjury bilang bwelta nito kina Rod Saucelo, Wilfredo Rama at Antonio Lagrada matapos sya ay sampahan ng mga ito ng kasong plunder noong ika-7 ng Abril, 2015 SA Ombudsman for Luzon.

Ang perjury ay panunumpa nang walang katotohanan (www.pinoylawyer.org).

Ayon kay Hagedorn “political harassment” umano ang kasong isinampa dahil ito ay walang sapat na batayan at naglalayon lamang na sirain ang kanyang kandidatura para sa nalalapit na May 8 recall election.

Sina Saucelo, Rama at Lagrada ay mga kilalang supporters ni Mayor Lucilo R. Bayron na makakalaban ni Hagedorn sa nalalapit na halalan.

Ayon kay Hagedorn, ang batayan umano sa pagsampa ng kasong plunder nina Saucelo ay ang observations at recommendations lamang ng Commission on Audit at hindi pinal na desisyon ng naturang ahensya.

Hindi umano sinasabi sa COA report na walang vouchers, resibo at iba pang dokumento ang pagrelease ng halagang 65.6 milyong pisyo na tikutukoy sa kasong plunder.

Ayon sa source ng Palawan News, inaayos umano ng kampo ni Hagedorn ang lahat ng dokumento upang patunayan na walang katotohanan ang sinasabi ng mga nag-aakusa sa kanya.

Naniniwala si Hagedorn na madi-dismiss ang kasong plunder dahil wala umanong katotohanan at batayan ang usaping ito.

Sa panayam kay Hagedorn ng DYEC, dapat umano asikasuhin ni Mayor Bayron ang paglutas sa problema sa droga at iba pang kriminalidad sa syudad kaysa sa pagsampa ng kaso laban sa kanya.

KASONG PLUNDER

Ang plunder o pandarambong sa ating batas ay ang pagnanakaw ng    isang    public    official    o    kawani    ng anomang ahensya ng gobyerno sa pamamagitan ng  hindi maipaliwang na paglustay, maling paggamit o malversation ng pondo ng bayan, at pasamantala sa posisyon upang pagyamanin ang kanyang sarili.  Para makasuhan ng plunder o pandarambong ay kailangan ang halaga ng perang hinahabol ay nasa humigit sa Seventy Five Million Pesos (75,000,000.00) (http://www.answers.com).

Noong ika-7 ng Abril 2015 isinampa nina Saucelo, Rama at Lagrada ang kasong plunder kay dating mayor Edward S. Hagedorn

Bukod kay Hagedorn, kinasuhan din ang dating city administrator Atty. Agustin Rocamora at ilan pang indibidwal na sangkot umano sa kwetyunableng paglalabas ng naturang pondo.

Ang kasong ito ay nagugat sa pagtanggap ni Hagedorn ng milyong halagang  sa 18 magkakahiwalay na transaksyon.  Ipinalabas na reimbursement o inabonohan muna nito ang halagang P 65,683,661.79.

Nakasaad sa complaint affidavit    nina    Saucelo,    wala    umanong kalakip na vouchers, official    receipts    at    iba    pang    dokumento sumusuporta sa reimbursement claim ni Hagedorn.

Nilinaw ni Saucelo na walang kaugnayan sa nalalapit na recall election ang pagsasampa ng kaso laban kay Hagedorn.

“I am not doing this  for Mayor Bayron. I am doing this because this is the right thing to do,” ayon kay Saucelo.

You may also like...