Kasambahay, huli matapos pagnakawan ang amo ng 2.5M


Huli sa “hot pursuit operation” na pinangunahan ng mga operatiba ng Mendoza Pulis Station kahapon, Setyembre 25 ang isang babaeng kasambahay, 15 taong gulang, tubong Roxas, Palawan matapos magnakaw ng 2.5M halaga ng pera sa kanyang amo.

 

Ads

 

 

 

 

 

 

 
Inireklamo ni Rosario “Baby” Gapuz, 47 y/o at residente ng Wescom Road , Barangay San Pedro, Puerto Princesa City ang biktima. Aniya, nakita nila gamit ang CCTV na tinangay ng suspek ang isang itim na bag na mayroong lamang pera.

 

 

 

 

 

 

 

 
Agad na ikinasa nina PO3 Noe Balangan at mga kasamahan nito ang operasyon. Natagpuan ang suspek sa bahay ng kanyang tiyahin sa Barangay Mandaragat. Humigit-kumulang Php700, 000 na lamang ang na-recover ng mga otoridad sa suspek.

 

 

 

 

 

 

 

 

Ayon sa suspek nagawa nya lamag ito sa sobrang hirap ng buhay at nasilaw umano siya sa laki ng pera na nasa bag.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Sinabi naman ni Gapuz na kahit naaawa siya sa suspek ay tuloy pa rin ang kaso laban dito. “Hindi na rin naman na maibabalik ang nanakaw eh, tuloy-tuloy na ang kaso”

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Habang isinusulat ang balitang ito ay isinasampa na ang kasong qualified theft laban sa suspek.

 

 

 

 

 

 

 

 

 
Nakikipagtulungan naman ang Mendoza PNP sa Provincial Social Welfare and Development Office para sa pangangalaga sa karapatan ng suspek na menor-de-edad.


You may also like...