Karpinterong nag-self crash, patay sa Brgy. Sta. Lourdes


Patay ang isang 32-anyos na karpintero kahapon, ika-26 ng Abril, matapos aksidenteng maibangga nito ang motorsiklo na minamaneho sa riprap ng National Highway sa bahagi ng Sitio Magarwak, Barangay Sta. Lourdes bandang 5:40 ng umaga.

Kinilala ang biktima ng self-crash na si Renier Rapista, walang asawa, at residente ng Purok Masigla, Barangay San Miguel.

Ayon sa paunang imbestigasyon ng traffic police, tinatahak ni Rapista ang kahabaan ng kalsada mula sa kanyang bahay papuntang norte. Nang i-maniobra nito ang motorsiklo sa bahagi ng kurbada sa Sitio Magarwak, sumalpok ito sa  riprap dahil sa mabilis na pagpapatakbo.

Dinala si Rapista sa Ospital ng Palawan ng mga tauhan ng Kilos Agad Action Center, pero idineklara itong dead-on-arrival (DOA) ng  doktor.

You may also like...