Kakulangan sa suplay ng kuryente muling mararanasan sa lungsod


Muling mararanasan sa lungsod ng Puerto Princesa ang kakulangan ng suplay ng kuryente dahil sa pagsasaayos ng National Power Corporation (NAPOCOR) ng kanilang tie line ngayong darating na araw ng Sabado at Linggo, Abril 22 at 23. Ito ay base sa impormasyong ipinarating ng Paleco sa Media.

 

 

 

Kaugnay nito, hindi magagamit ang tie line mula Irawan hanggang sa mismong PALECO switchyard, dahilan para hindi maibigay ng DMCI Irawan ang buong kapasidad nito. Ayon din sa PALECO, tanging ang PPGI Puerto Delta P at 5MW mula sa DMCI ang padadaanin sa Iwahig Circuit para sa suplay ng kuryente sa lungsod. Dahil dito, inaasahan na magkakaroon ng 4-9MW na kakulangan sa araw ng Sabado, at 3-7 MW naman sa araw ng Linggo.

 

 

 

 

Dagdag pa ng Paleco, ang PPGI Narra at DMCI Aborlan, Quezon, at Brooke’s Point ang magbibigay ng kuryente sa mga munisipyo sa Sur na naka-island mode, samantalang DMCI Roxas naman ang sa bayan ng Roxas. Inaasahang magkakaroon ng 30-minuto hanggang isang oras na pagkawala ng kuryente sa mga nabanggit na munisipyo para sa resychronization ng grid sa araw ng Sabado at Linggo pagkatapos ng activity ng NAPOCOR.

 

 

 

Ayon naman sa tantiya ng NAPOCOR, matatapos nila ang upgrading ng tie line sa huling linggo ng Mayo ngayong taon.

You may also like...