Kababaihan ng Brooke’s Point, nakiisa sa International Women’s Day

Naging panauhing pandangal ng selebrasyon ng International Women’s Day sa Brooke’s Point si Judge Evelyn Cañete ng 9th Municipal Circuit Trial Court na sumasakop sa Brooke’s Point, Sofonio Española, Bataraza, at Balabac.


BROOKE’S POINT, Palawan — Mahigit 300 na kababaihang residente ng Brooke’s Point ang ipinagdiwang ang International Women’s Day noong Huwebes, March 8.

Bagama’t nabigong makadalo si Mayor Mary Jean Feliciano dahil sa mga naunang commitment nito, tuloy ang selebrasyon ng mga kababaihan na nagmula sa 18 walong barangay ng munisipyo, ganoon din ang iba pa na nagmula sa iba’t-ibang tanggapan ng lokal na pamahalaan.

Naging panauhing pandangal ng selebrasyon sa naturang bayan si Judge Evelyn Cañete ng 9th Municipal Circuit Trial Court na sumasakop sa Brooke’s Point, Sofronio Española, Bataraza, at Balabac.

Aniya sa pakikipag-usap sa mga kababaihan, dapat isipin umano ng mga ito na walang masama na ipaglaban ang mga prinsipyong tama lalo na sa karapatang pangkababaihan.

“A woman is like a tea bag. You can’t tell how strong she is until you put her in hot water. Think like a queen. If you want something said, ask a man; if you want something done, ask a woman. After the woman, flowers are the most lovely thing God has given to the world,” pahayag niya.

Ayon naman kay Chit Dollano, ang Brooke’s Point municipal administrator, malaki ang naging kontribusyon ng mga kababaihan sa mga tagumpay na inaani ng kanilang bayan.

“Dahil sa tatlong taong sunod-sunod na pagkapanalo ng ating bayan na dahilan ng pagkakaroon ng seal of good governance nito, sunod-sunod din ang biyaya na natatanggap ng ating bayan kaya sunod-sunod din ang mga proyekto ng ating pamahalaan na syang inaasikaso ngayon ni Mayor Feliciano, at sa lahat ng ito, malaki ang inyong naging kontribusyon,” pahayag niya.

This material may not be published, broadcast, rewritten, or redistributed. © Copyright 2018 - Qubes Publication and Ads Promotion. All rights reserved.

You may also like...