Inter-faith rally for HOPE isinagawa


Ganap na alas-tres ng hapon noong ika-2 ng Mayo, sabay-sabay na naglakad papuntang Mendoza Park ang mga mamamayan mula sa ibat-ibang sektor sa pribado at gobyerno sa lungsod ng Puerto Princesa para ipagdasal ang nalalapit na recall election.
Sa panayam kay Bishop Pedro Arigo, ang inter-faith rally ay tinawag din na walk for hope na palagian nang isinasagawa tuwing may eleksyon..
Ang layunin nito ay maisakatuparan ang maayos na electoral system at hindi umano mabahiran ng anumang kasamaan katulad na lamang ng presensya ng mga goons, guns at golds sa panahon ng kampanyahan.
“Ang aktibidad ay para sa bayan at sa katotohanan. Umaasa ako na hindi pa huli ang lahat para sa maayos na electoral system, “ ayon kay Bishop Arigo.
Sinabi din nito na ikinalulungkot n’ya ang kasalukuyang kalagayan ng pulitika sa Puerto Princesa City.
“Padumi ng padumi. Hindi maganda, kayat nakakalungkot ang eleksyon lalo na kung ito ay magiging pera pera lang. Hindi masusugpo ang kurapsyon,” dagdag pa nito.
Nilinaw nito na non-partisan ang simbahan at ito ay kaisa sa mga aktibidad ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV).


You may also like...