Illegal hunter sa Calauit Safari Park hinuli

Calauit Safari Park (Photo credit: www. mikedtravelph.com

Hinuli ng Provincial Intelligence Branch  ng Palawan Police Office at Busuanga Municipal Police ang mga umano’y notorious illegal hunter na sina Luis Gabiola at Virgilio Aversoza sa may Calauit Safari Park sa Bgy New Quezon, Busuanga, Palawan matapos makuha sa kanila ang ilang shotgun, dinamita at mga bala ng baril.

 

Ayon sa hepe ng Palawan Intelligence Branch na si  Police Superintendent Vicente Cabatingan, nakatanggap umano sila ng impormasyon na nagiging rampant na ang iligal na panghuhuli ng mga endangered wildlife species kagaya ng zebra, deer at giraffe.

 

Sa bisa ng search warrant, narekober at nakumpiska mula sa dalawang suspek ang dalawang homemade shotgun, anim na piraso ng live 12 gauge ammunitions, 15 basyo nab ala ng shotgun, tatlong bote ng dinamita, walong metro ng  time fuse, dalawang blasting caps, tatlong piraso ng mga buto baboy damo,  pitong piraso ng pinatuyong balat ng hayop at limang piraso  ng buto ng  calamian deer.

 

Sa isinagawnag imbestigasyon napag-alaman na ibinebenta umano ang karne ng mga nahuhuling hayop sa mga kalapit na munisipyo.

 

Idinagdag ni cabatingan na kailangan umanong bigyan atensyon ng lokal na pamahalaan ang pagdadagdag ng bantay sa lugar para protektahan ang mga hayop laban sa mga iligalista.

Use of materials from this Website, including any commercial use, reproduction, distribution, re-publication, broadcast, and display or performed, without prior permission of Qubes Publication and Ads Promotion is strictly prohibited.

You may also like...