Ilang konsehal ng lungsod, masama pa rin ang loob kay Marcaida


Nagpahayag ngayong araw ng kanilang saloobin patungkol sa naging desisyon ni dating Vice Mayor Luis Marcaida III na manumpa bilang bagong alkalde ng Puerto Princesa ang ilan sa mga konsehal ng Sangguniang Panlungsod. Matatandaang ang nasabing desisyon ni Marcaida ay nagdulot ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng bagong alkalde at ng mga miyembro ng konseho.

Ayon kay Konsehal Henry Gadiano, bahagyang nawalan umano ng direksyon ang konseho dahil sa mga pangyayari. Aniya, “We are looking at him for the guidance pero hindi po namin nakita ‘yun. ‘Yun po ang isang bagay na nakakalungkot. The mayor has taken everything by himself, kaya po doon medyo nagkaproblema tayo. Siguro panahon nalang ang makakapagsabi kung ano yung tama at ang mali.”

“You made a promise that you will not take an oath because you are looking back on the situation where the good mayor is temporarily situated, and we hold on to that statement of yours that you will not take your oath. But the following day the members were never consulted and for me it is a betrayal of trust,” pahayag naman ni Konsehal Jimmy Carbonell. “We are always behind you but how come you got that desire of yours to take an oath? You have forgotten the members of the august body and I cannot readily accept that because I’m holding on to your principle as a Vice Mayor of Puerto Princesa,” dagdag pa nito.

“Alam mong masama ang loob sayo ng City Council. Pakiramdam ng mga members tinatraydor tayo dahil the day before you took your oath nagkaroon tayo ng gentlemen’s agreement. Bilang magkakapatid…humingi nga po ng mga payo at nagkaroon ng assurance na hindi manunumpa, na alam natin na mayroong nakabinbin na TRO at ‘yun pong TRO kapag nanumpa ay mababalewala. So ang epekto nun parang binarahan mo ang mga legal remedies that are available for Mayor Bayron,” turan naman ni Konsehal Jonjie Rodriguez.

“Ngayon siyempre pakiramdam namin naloko kami kasi ‘yun nga ang naging usapan, then all of the sudden nanumpa po kayo,” dagdag pa nito.

Pareho rin ng mga naunang pahayagang sentimiyento ng iba pang konsehal. Naghain naman ng resolusyon si Konsehal Nesario Awat kaugnay ng nasabing isyu, na sinuportahan naman ng konseho.

Nagpaabot din ng pahayag ang bagong-kakapanumpang bise-alkalde ng lungsod at dating konsehal Nancy Socrates patungkol sa nasabing desisyon ni Marcaida. Aniya, maaari naman daw umanong gampanan ni Marcaida ang mga dapat niyang gawin bilang acting Mayor. Dagdag pa ni Socrates, para na rin daw nagdesisyon mag-isa ang dating bise-mayor.

“You could have done the duties and obligations of the Mayor in an acting capacity at sana po hindi na nagkaroon ng ganitong problema kung kayo po ay pumayag na pumirma ng mga dokumento as acting Mayor,” paliwanag ni Socrates.

Samantala, para naman kay Marcaida, tama ang kanyang naging desisyon. Aniya, makatutulong ito sa dating mayor upang mapagtuunan ng huli ang kinakaharap nitong kaso dahil may namamahala sa lungsod.

Patuloy namang hinihingi ng bagong alkalde ang pang-unawa ng mga kasamahan sa partido.

You may also like...

Add a Comment

Your email address will not be published.