Ilang kabahayan sa Villa Libertad, El Nido nasusunog

Bgy. Villa Libertad, El Nido, Palawan

[Developing] Isang sunog ang kasalukuyang nagaganap araw ng Miyerkules, Pebrero 15 sa Sitio Batbat, Bgy. Villa Libertad, El Nido, Palawan.

Ayon kay Bgy. Kapitan Ruben Arzaga, hindi bababa sa limang istruktura ang nasusunog sa kanyang barangay kabilang ang dalawang bahay, bodega at ilang di pa matukoy na istruktura sa lugar.

Kasalukuyan na rin aniyang nasa lugar ang mga alagad ng pamatay-sunog.

Samantala, ayon naman kay Ellaine Gunn, kaibigan ng isa sa mga nasunugan, tinatayang 3:40 nagsimula ang sunog. Bandang 3:47 naman ng hapon ng tumawag sya ng tulong sa Palawan Rescue 165.

Inaalam pa sa ngayon ang ilang detalye ng naturang insidente.

Use of materials from this Website, including any commercial use, reproduction, distribution, re-publication, broadcast, and display or performed, without prior permission of Qubes Publication and Ads Promotion is strictly prohibited.

You may also like...