=

Generally peaceful’ ang huling araw ng voter’s registration sa Puerto Princesa


Tahimik at walang naitala na ano mang hindi kanais-nais na kabanata ang huling araw ng voter’s registration at updating ng biometrics data sa Puerto Princesa noong Sabado, October 31.

Ang bagay na ito ay ayon kay City Commission on Elections (COMELEC) Officer Ferdinand Bermejo na nagsabi na hanggang alas nuwebe ng gabi ay marami pang nagtangkang humabol sa deadline pero tinapos na niya ito.

Aniya, maituturing na payapa ang huling araw ng voter’s registration at pagpapa-biometrics dahil bukod sa 19 na pulis na itinalaga ng City Police Office (CPO) ay nakipag-cooperate naman ang mga mamamayan ng maayos sa kanilang tanggapan sa coliseum.

Sa huling araw, umabot umano sa 600 ang numero ng mga huling aplikante simula umaga hanggang bandang 7:45 p.m., at hanggang sa cut off time ay meron pang nakiusap dala ang kung anu-anong dahilan pero hindi na niya sila pinayagan.

Ipinaliwanag niya na hindi na makapagbibigay ng palugit dahil May 6, 2014 pa nag-umpisa ang voter’s registration at biometrics updating.

Ngayon umanong November 16 kapag natapos ang Election Registration Board Hearing ay malalaman kung nabawasan ba ng malaki ang 24,000 na bilang ng mga walang biometrics at rehistrasyon sa Puerto Princesa.

Samantala, isang 90-year old na residente ng Abanico, Zone 5, Barangay San Pedro ang pinaka matandang naging aplikante ng COMELEC sa lungsod, at ito ay kinilalang si Elias Arceo.

Ang mga walang biometrics ay ma-de-deactivate ang at maaalis sa listahan ng mga botanteng boboto sa 2016.

 

This material may not be published, broadcast, rewritten, or redistributed. © Copyright 2018 - Qubes Publication and Ads Promotion. All rights reserved.

You may also like...

Add a Comment

Your email address will not be published.