Gasoline Station nilooban, P200,000 nakuha


Tinatayang umaabot sa P200,000 pera ang nakuha ng hindi pa matukoy na suspek sa isang gasoline station sa Brgy. Tiniguiban, Lungsod ng Puerto Princesa, Lunes, ika-21 ng Disyembre.

 

Ayon kay Senior Inspector Saul Eleazar, Chief of Police ng Irawan Police Station, habang natutulog  ang security guard ng gasoline station, pinalo ito sa ulo at nawalan ng malay.

 

Pwersahang sinira  ng suspek ang pinto ang cashier booth at nilimas ang pera sa loob. Kinuha rin umano nito ang memory card ng CCTV footage, kaya walang naiwang ebidensiya sa pangyayari.

 

Naniniwala naman ang mga otoridad na planado ang nasabing pagnanakaw. Sa ngayon ay wala pa silang witness at lead para sa posibleng pagkakilanlan ng suspek.

 

Tuloy pa rin ang malalimang imbestigasyon na isinasagawa ng otoridad patungkol sa insidente.

 

Nasa ospital  naman ang security guard dahil sa tinamong sugat sa ulo.

You may also like...