Empleyado sa resort, natagpuang patay


Patay na natagpuan ang isang lalaki na unang naiulat na nawawala sa El Nido Byernes ng gabi.

Ayon sa pulis ng El Nido, natagpuan ang labi ni Algemon Nuñez, 27, empleyado ng Orange Pearl Resort, sa baybayin ng Barangay Corong Corong ng isang African national na kinilalang si Dillan Kruger.

Naunang naiulat na nawawala si Nuñez noong June 6, bandang 6:00 p.m., subalit nai-report lamang ito sa pulisya noong Huwebes, June 7.

You may also like...