Dugong, natagpuang patay sa dalampasigan ng Narra


Patay na nang makita ng mga mangingisda ang isang dugong sa dalampasigan ng Bgy. Caguisan, bayan ng Narra noong ika-3 ng Mayo.

Ang nasabing dugong ay tinatayang may bigat na 300 kilo at may haba na 2.9 metro.

May sugat ito na mahigit tatlo hanggang limang talampakan sa taas ng kaliwang palikpik (pectoral fin) nito. Ito ay nabubulok na nang makita ng mga mangingisda.

Ang imbestigasyon sa pagkamatay ng dugong ay pinangunahan ni MFARMC Chairperson Orlando L. Acaylan kasama sina Franklin R. Amasan at Ivan M. Oja ng DA-BFAR-IV-ISRS, John Mark Baalan mula sa DA-NFRDI sa tulong ng punong barangay ng Bgy. Caguisan na si Rudy B. Cayanan at Kagawad Amador Quino. (Ni Jayra Joyce C. Taboada)

You may also like...