Drug surrenderees sa Roxas, nakatapos ng pagsasanay pangkabuhayan


Pormal na nagtapos noong ika-18 ng Hulyo ang 92 drug surrenderees ng bayan ng Roxas na nagmula sa apat na barangay nito sa Poblacion sa Rodriguez Gymnasium, Roxas, Palawan. Ang nasabing RDS ay sumailalim sa apat na buwan ng pagsasanay sa ilalim ng Community Enhancement and Livelihood Project (CELP) ng lalawigan ng Palawan.

Sa kanyang talumpati, pinaalala ni Mayor Ma. Angela Sabando na katuwang ng mga RDS ang pamahalaan sa pagbabago, “pero sana makikiusap kami sa inyo na tulungan nyo din ang inyong mga sarili dahil kayo rin ang guguhit ng inyong kinabukasan,” dagdag pa niya.

Kasabay ng okasyon ay ang paglagda sa isang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng Provincial Microfinance Office ng Pamahalaang Panlalawigan at ng 11 RDS. Sila ay pinagkalooban ng tulong puhunan na nagkakahalaga ng P10,000 bawat isa upang makapagsimula sila ng sarili nilang pangkabuhayan. Ang halagang ito ay kanilang ibabalik sa loob ng anim na buwan na walang interes.

Ang mga nagtapos sa CELP ay sumailalim sa iba’t ibang aktibidad at pagsasanay na nakatuon sa kanilang pisikal at mental na kalusugan, mga talakayan at kasanayan para muli silang makapaghanap buhay.

Ang programang CELP ay unang inilunsad sa bayan ng San Vicente at sumunod ang bayan ng Roxas. Layunin nito na mabigyan ng pagkakataon ang mga recovering drug surrenderees na magkaroon ng panibagong buhay sa komunidad.

This material may not be published, broadcast, rewritten, or redistributed. © Copyright 2018 - Qubes Publication and Ads Promotion. All rights reserved.

You may also like...

Add a Comment

Your email address will not be published.