Dating driver ng RORO bus na nakabangga ng Innova arestado


Inaresto ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Palawan ang dating driver ng RORO Bus na nakasalpukan ng isang Toyota Innova noong 2013.

Kinilala ang suspek na si Joel Sauro Adion, 30 anyos, residente ng Sitio Panindigan, Barangay Poblacion, San Vicente.

Ayon kay SPO2 Antonio Magbanua Jr., nahuli ang suspek Sabado, Oktubre 24 pasado alas otso ng gabi sa Brgy 4, Roxas sa pangunguna ni Police Chief Inspector Danilo Masiddo Tarun.

Dinampot si Adion sa bisa ng warant of arrest na ibinaba ni Judge Angelo Arizala ng Palawan Regional Trial Court Branch 52 sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Multiple Homicide and Damage to Property.

Pinayagang makapagpiyansa ng P30,000 ang suspek.

Matatandaang noong August 26, 2013 nang maganap ang aksidente sa kahabaan ng kilometer 26 Brgy Sta. Lucia Puerto, Princesa City. Dead-on-the-spot ang pitong sakay ng Innova.

Base sa imbestigasyon ng mga otoridad, kinain ng Innova ang linya ng Roro bus kung kaya’t nangyari ang malagim na aksidente.

You may also like...

Add a Comment

Your email address will not be published.