Dalawang “wanted persons” sa Roxas, Palawan kusang sumuko sa mga otoridad


Kusang sumuko sa mga alagad ng batas kamakailan ang dalawang magsasaka  na mayroong standing warrant of arrest. Sila ay sina  Melvin Jaranilla Ustares, 27 anyos, may asawa at residente ng Taradungan, Roxas at William Mayo Rodriguez, 53 anyos, may asawa,  at residente ng New Barbacan sa nasabing bayan.

Si Jaranilla ay may warrant of arrest na ibinaba ng Municipal Circuit Trial Court ng Roxas- Cagayancillo dahil sa kasong Grave Coercion sa ilalim ng criminal case no. 3512.

Samantalang si Rodriguez naman ay may kasong paglabag sa Section 10 ng RA 7610 o batas hinggil sa pang-aabuso sa mga kabataan sa ilalim ng criminal case no. 32180.

Sumuko umano ang  mga suspek dahil natakot ang mga ito sa narinig nilang balita sa radyo na pinalalakas ng mga otoridad ang kanilang panghuhuli sa mga wanted persons na nagtatago sa batas.

Nakatakdang  dalhin sa Provincial Jail ang mga suspek.


You may also like...