Dalawang lalaki, huli sa buy bust operation


Huli sa isinagawang buy bust operation ng City PNP AIDSOTG ang dalawang kalalakihan noong Oktubre 14, 2016 sa Barangay Bancao-Bancao, lungsod na ito. Ang mga suspek ay kinilalang sina Jared Varon Ituralde 49 y/o, Joey Heredero Cruz, nasa tamang gulang pawang residente ng lungsod.

Nahuli sa mga ito ang dalawang limang daang piso na nagsilbing mark money, tatlong sachet ng white crystalline substance na pinaghihinalaang shabu. Humigit kumulang tatlong gramo ang nakumpiska sa mga ito na nagkakahala anim na libong piso.

Samantala, patuloy pa ring pinaghahanap ng mga otoridad ang isa sa mga suspek na kinilalang si Rodolfo del Valle na nakatakas habang isinasagawa ang buy bust operation.

Ang dalawang suspek ay sinampahan  ng kasong paglabag sa Sec. 5 Article 2 ng Republic Act 9165.

Use of materials from this Website, including any commercial use, reproduction, distribution, re-publication, broadcast, and display or performed, without prior permission of Qubes Publication and Ads Promotion is strictly prohibited.

You may also like...