Dalawang estudyante huli sa drug buy bust operation

(file photo)


PUERTO PRINCESA CITY- Nakatakda nang ilipat sa City Jail ang magkasintahan na naaresto sa isinagawang drug buy bust operation noong Biyernes ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), City Anti-Illegal Drug Special Operation Task Force at Oplan Walis Sagasa sa Brgy. Maningning.

Kinilala ni P/Supt. Ariel Celino ng City PNP ang mga ito na sina Jann Carlo Gacula, 22 anyos at Melody Obedoza, 19 anyos kapwa mga estudyante sa isang pribadong kolehiyo.

Nakuha mula sa posisyon ng mga ito ang dalawang transparent plastic sachet na naglalaman ng 60 gramo ng white crystaline substance na hinihinalang shabu.

Ayon pa kay Celino, tinatayang aabot sa kalahating milyong piso ang market value ng droga na nasamsam mula sa dalawa.

Dinala na sa PNP crime laboratory ang pinaniniwalaang droga upang isailalim sa isang pagsusuri.

Inihahanda na ng mga kinauukulan ang kasong isasampa sa mga suspek dahil sa paglabag sa ilang probisyon ng R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

This material may not be published, broadcast, rewritten, or redistributed. © Copyright 2018 - Qubes Publication and Ads Promotion. All rights reserved.

You may also like...

Add a Comment

Your email address will not be published.