Dalawang drug personalities, isang menor de-edad huli sa buy-bust operation


Huli sa isinagawang buy-bust operation ng Mendoza Police Station ang isang lalaki na kinilalang si Rowel Mateo at isang hindi pa nakikilalang babae bandang alas-5:30 ng hapon, ika- 16 ng Marso 2017, sa Bgy. San Miguel, Puerto Princesa City.

Nakuha sa mga suspek ang isang pakete ng white crystalline substance na pinaghihinalaang shabu at isang libong piso na ginamit na marked money.

Dinala ang mga nasabing suspek sa Palawan Crime Laboratory at haharap ang mga ito sa kasong Article II, Section 5 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Samantala isa namng menor-de-edad ang huli sa isinagawang operasyon ng Mendoza PS noong, ika-17 ng Marso 2017, Huwebes sa Libis Road, Brgy. San Pedro, Puerto Princesa City.

Nakuha sa suspek ang isang pakete ng white crystalline substance na pinaghihinalaang shabu, na nakalagay pa sa isang card holder.

Kasalukuyang hawak ng Mendoza Police Station ang naturang suspek at haharap ito sa kasong paglabag ng Article II, Section 5 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 pagtuntong nito sa tamang gulang.

You may also like...