Dalawa patay matapos makuryente sa Brooke’s Point

Dalawang construction worker namatay matapos makuryente.

Patay na bago makarating sa Southern Palawan Provincial Hospital sa bayan ng Booke’s Point ang dalawang construction worker matapos makuryente, Sabado, ika- 26 ng Agosto.

Ang mga biktima ay sina Ken Asan, 35 taong gulang, residente ng Brgy.Oring-oring at Jujie Evina,21 taong gulang at residente ng ng Brgy. Barong-barong, Brooke’s Point.

Sa salaysay ni Teng Laguisma katiwala sa gusali kung saan naganap ang insidente, narinig umano nila na pumutok ng malakas ganap na alas nwebe ng umaga ang kable ng kuryente na bumabaybay sa Rodriguez Street at Poblacion District 2. Nang tingnan nila kung ano ang posibleng dahilan nakita nilang nakahandusay sa sahig si Ken na posible umanong nagtangka pang iligtas si Jujie na nakasampay sa kable.

“Nakasanayan n’ya na kasing hawakan ang cable ng kuryente. Umuulan ngayon kaya siguro nakuryente s’ya,” ayon kay Laguisma.

Nagpahayag naman ng kalungkutan sa pangyayari si Noemi Lagan, ang may-ari ng gusali kung saan nagtatrabaho ang dalawang biktima.

Ayon naman kay Lagan aksidente ang nangyari at hindi sa mismong gusali ang kable kung hindi ito ay kable na bumabaybay sa kalsada.

 

Use of materials from this Website, including any commercial use, reproduction, distribution, re-publication, broadcast, and display or performed, without prior permission of Qubes Publication and Ads Promotion is strictly prohibited.

You may also like...