DA-BFAR magsasagawa ng ‘Farmers & Fisherfolk Forum’

Photo Credit: Food evolutions.ph

Nakatakdang magsagawa ng isang ‘Farmers & Fisherfolk Forum’ ang Department of Agriculture (DA) -Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR)sa bayan ng Brooke’s Point, Palawan, sa darating na Huwebes, February 16. Kasama sa nasabing aktibidad na gaganapin sa municipal gymnasium ng bayan ang isang talakayan at tulong-pangkabuhayan sa sektor ng agrikultura at pangisdaan sa lalawigan.

Ayon kay BFAR OIC-Assistant Regional Director Roberto Abrera, layunin ng nasabing forum ang mabigyan ng ayuda ang mga mangingisda para sa kanilang hanapbuhay. Layon din nitong matulungan ang LGU para sa law enforcement.

Inaasahang dadaluhan ang forum ng mga fisherfolk mula sa 24 LGUs ng lalawigan. Highlight din ng nasabing aktibidad ang pamamahagi ng humigit kumulang 126 units ng 38-footer FRB Boat na gawa sa fiber glass.

Inaasahan din ang pagdating ni DA Secretary Emmanuel Piñol bilang special guest of honor.

Lalahok din sa forum ang mga alkalde ng iba’t ibang munisipyo ng Palawan, sa pangunguna ni Hon. Mary Jean Feliciano ng bayan ng Brooke’s Point, kasama ang kanilang mga piling registered fisherfolk. Dadalo rin ang tatlong congressmen ng Palawan na sina Cong. Franz Josef George Alvarez ng 1st district, Cong. Frederick Abueg ng 2nd district at Cong. Gil Acosta ng 3rd district.

Kabilang din sa mga panauhin sina Atty. Cipriano G. Santiago, CESO III ang Regional Executive Director ng DA MIMAROPA, Mr. Eduardo Gongona, DA Undersecretary for Fisheries/ National Director ng BFAR at si Dir. Elizer S. Salilig, MFT, OIC-Regional Director ng BFAR MIMAROPA.


You may also like...