Construction worker sa Roxas nahulog, patay


Patay ang isang construction worker matapos aksidenteng mahulog ito sa ginagawang gusali ng Department of Public Works and Highway (DPWH) sa bayan ng Roxas nitong Pebrero 26, 2018 ng umaga.

Ang biktima ay nakilalang si Darwin Calanday, isang construction worker ng Alpha and Omega General Construction Development Corporation at nakatira sa Barangay San Jose sa bayan ng Roxas.

Napag-alaman na ang biktima, kasama ang isang pang construction worker, ay nangunguha ng mga scaffolding ng beam sa itinayong dalawang palapag na gusali ng DPWH nang ito ay aksidenteng nahulog at nasugatan sa ulo.

Dinala sa Roxas Medicare Hospital si Calanday upang bigyan ng lunas ngunit ito ay binawian na ng buhay.

This material may not be published, broadcast, rewritten, or redistributed. © Copyright 2018 - Qubes Publication and Ads Promotion. All rights reserved.

You may also like...