Construction worker patay sa pananaksak sa Bancao-Bancao


Natagpuang patay ang isang construction worker sa tinutuluyan nitong kubo sa Barangay Bancao-Bancao Miyerkules, Oktubre 19. Ang biktima ay si Alex Oliveros 32 taong gulang at residente ng Purok New Hike 2 ng nasabing barangay.

Kinilala ang suspek na si Leo Ballarta 39 taong gulang at residente ng Purok Bagong Buhay sa nasabing barangay.

Base sa inisyal na imbestigasyon ang dalawa ay nag-iinuman nang mangyari ang insidente dahil sa di pagkaka-unawaan.

Ayon naman kay PO2 Anthony Evina, idineklarang dead on the spot ang biktima na nagtamo saksak sa ibat ibang parte ng dibdib.

Agad na tumakas ang suspek at kasalukuyan pa ring pinaghahanap ng mga otoridad upang papanagutin sa kasong Murder.

Use of materials from this Website, including any commercial use, reproduction, distribution, re-publication, broadcast, and display or performed, without prior permission of Qubes Publication and Ads Promotion is strictly prohibited.

You may also like...