Isa sa mga “most wanted” sa Palawan, nahuli ng mga otoridad sa Bataraza


Nablhuli ng mga otoridad sa pamamagitan ng “Lambat Sibat” Task Force ang pang-anim sa listahan ng mga “most wanted” sa Palawan kamakailan sa bayan ng Bataraza.

 

Ang suspek ay kinilalang si Andy Gilongos, 36 anyos at nagtatago sa Bocol Village, Bgy Sandoval sa nasabing munisipyo.

 

Sa impormasyong nakalap ng Palawan News, sa bayan ng El Nido nagawa ng suspek ang kasong frustrated murder noon pang Pebrero 2015.

 

Ang nasabing operasyon ay matagumpay na naisakatuparan sa pamamagitan ng Provincial Intelligence Branch katuwang ang El Nido Municipal Police.

 

Nakakulong ngayon ang suspek sa Palwan Provincial Jail.

 

You may also like...