Construction worker, nahulihan ng droga sa isang buy-bust operation

Tinatayang nagkakahalaga ng kalahating milyong piso ang halaga ng droga na nasabat mula sa isang construction worker


Tinatayang kalahating milyong pisong halaga ng droga and nasabat sa isang buy-bust operation ng Regional Anti-illegal Drug Special Operation Task Force o RAIDSOTF sa pangunguna ni PO3 Anwar Ibrahim kamakailan.

 

Bumagsak sa kamay ng mga otoridad si Ramil Austra Y Saclet 37, may-asawa at naninirahan sa Poblacion, Roxas, Palawan. Nakuha mula sa kanyang pangangalaga ang 10 pakete na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu, kasama ang isanlibong piso na ginamit bilang buy-bust money.

 

Kasong paglabag sa ilang probisyon ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 at habangbuhay na pagkabilanggo ang posibleng kaharapin ng nasabing suspek.

 

Sa kasalukuyan, nasa pangangalaga pa ng Palawan Provincial Police Office ang akusado habang agad na itinurn-over sa Crime Laboratory ang mga ebidensiyang nakuha mula sa suspek.

You may also like...

Add a Comment

Your email address will not be published.