Construction worker nahuli sa drug buy bust operation

ito ang mga nakuha mula sa suspek.

Nahuli kahapon, ika-24 ng Enero si Ramon Villanueva, 43 anyos, sa isang drug buy bust operation sa Brgy. Magkakaibigan, Lungsod ng Puerto Princesa ng Philippine Drug Enforcement Agency at  City Anti Illegal Drug Special Operation Task Force.

 

Nakuha sa suspek ang tatlong plastic transparent sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu, kasama ang limang daang piso na ginamit bilang marked money.

 

Ayon kay Agent Baby Rallos ng PDEA, tinatayang aabot sa tatlo hanggang limang gramo ang nakuha sa suspek na nagkakahalaga ng humigit-kumulang sa P25,000.

 

Sa ngayon ay nasa pangangalaga na ng CityPNP ang suspek habang isasailalim sa pagsusuri ng PNP Crime Laboratory ang mga ebidensiyang nakuha mula kay Villanueva.

 

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 o Republic Act 9165. (Ulat ni Bryan Espiritu)

You may also like...