Comelec, nagsagawa ng special registration para sa mga kababaihan


Bilang bahagi ng pagdiriwang ng International Women’s Day, naglaan ang Commision on Election ng isang araw na special registration para sa mga kababaihan, ngayong Miyerkules, Marso 8.

Ayon kay City Election Officer Mangombaya Madale,  ito ay nagmula sa resolusyon na isinumite ng Comelec para bigyang pansin at hikayatin ang mga kababaihan na magparehistro upang makapagboto.

Ginawa ng comelec ito dahil gusto naming mabigyang-pansin ang mga kababaihan at upang madama nila na mahalaga sila sa lipunan“, aniya.

Dagdag pa ni Madale, mas maganda kung nalaman ito ng mga kababayan ng mas maaga para mas makatulong sila at nalaman ang kahalagahan ng pagrerehistro ng sarili bilang mga botante at inaasahan naman na mas marami pa sanang magpaparehistrong kababaihan.

Hinikayat naman niya naman ang mga mamamayan ng lungsod na magparehistro na bago dumating ang Abril 29 para sa new applicant, transferees, “change status” at iba pang serbisyo

Use of materials from this Website, including any commercial use, reproduction, distribution, re-publication, broadcast, and display or performed, without prior permission of Qubes Publication and Ads Promotion is strictly prohibited.

You may also like...