Coastguard-El Nido may paalala sa mga nagka- ‘Kayak’


Pinag-iingat ng husto ng Philippine Coast Guard-El Nido sa pamamagitan ni Lt. Junior Grade James Barandino ang mga turista na mahilig mag-kayak kapag malakas ang hangin at kahit na masama ang panahon.

Nag-ugat ang paalala ni Barandino matapos matagpuan ang isang turista sa isang isla sa naturang bayan na naanod ng malakas na alon habang ito ay nagkaka-kayak sa karagatan. Kinilala ang turista na si Olga Kolemba, 35 anyos, isang Polish.

Sa ulat, nag-rent ng kayak ganap na 7:40 ng gabi noong ika-11 ng Pebrero si Kolemba at hindi na nakabalik kinabukasan. Agad na pinagbigay alam ng may-ari ng Kayak na si Jocelyn Abis sa Coastguard ang pangyayari.

Agad na pinuntahan ng PCG personnel ang hotel na tinutuluyan ng dayuhan subalit wala sya sa rito. Makalipas ang halos isang oras ng parehong petsa nang makatanggap ng tawag ang PCG na nakita na si Kolemba.

Dahil sa pangyayaring ito, masusing pinaalalahanan ng Coastguard ang mga may ari ng resort na laging pagsabihan ang mga turista na huwag mag-kayak sa malalayong lugar. Dagdag ni Barandino na dapat sumunod sa mga alituntunin sa paggamit ng recreational craft gaya ng paggamit ng life saving apparatus kagaya ng lifevest, whistle, flashlight at iba pa.

Use of materials from this Website, including any commercial use, reproduction, distribution, re-publication, broadcast, and display or performed, without prior permission of Qubes Publication and Ads Promotion is strictly prohibited.

You may also like...