City Tricycle, nag-inspeksyon sa north Puerto Princesa

Puerto Princesa City Hall (Photo//Palawan News)

Nag-inspekyon ang City Tricycle Franchising Office sa dalawang barangay sa hilagang bahagi ng lungsod kaugnay ng renewal ng mga prangkisa ng nasabing uri ng pampublikong sasakyan sa lugar noong Linggo, Marso 12.

Partikular na pinuntahan ng grupo ang Sitio Sabang sa Barangay Cabayugan at ang Barangay Tagabinet. Ang mga nasabing lugar ay itinuturing na special zone ng SACATA TODA.

Ads

Ayon kay Rodelo Muñoz, Franchising Officer ng lungsod, 35 lamang ang prankisang ipinamahagi nila sa lugar nakaraang taon at kung hindi umano ma-rerenew ang mga ito ay ibibigay ng gobyerno sa mga hindi pa nakakakuha.

Dagdag pa niya, ito ay gawain ng kanilang opisina para matulungan ang mamamayan na maging maayos ang proseso ng kabuhayan.

“Ganito talaga ang gawain ng opisina natin, kaya tayo din ang lumapit at pumunta sa kanila ay para hindi na nila dalhin ang kanilang unit dito sa bayan at maging madali sa kanila dahil magbabayad na lamang,” dagdag pa ni Muñoz.

Nakatakda namang sunod na puntahan ng mga opisyal ang mga barangay ng Macarascas, Bahile, Salvacion at Luzviminda.


You may also like...