Buy-bust, nabulilyaso


Nakatakas sa isang buy-bust operation sa syudad ang isang pinaghihinalaang pusher ng droga noong Lunes, subalit nahuli naman ang isang user sa aktong bumibili dito.

Inaresto ng pinagsanib na puwersa ng mga elemento ng PNP at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang kinilalang si Alwin Florez, 27.

Naganap ang buy-bust noong February 27 sa Baranggay Tiniguiban kung saan tinarget ng tropa ng mga pulis ang isang pusher suspek na kinilala lamang na “alyas Alfred.”

Nakatakas umano ang suspek sa pamamagitan ng gamit nitong van matapos ang naganap na bilihan. Samantala, nasakote naman si Flores na kasabay bumili ng isang undercover asset ng mga pulis.

Ang buy-bust operation ay isinagawa ng mga tropa ng PDEA at Police Station 1 sa pangununga ni PCI Mark Allen Palacios.

“Nagbabad ang tropa sa lugar kung saan madalas ginagawa ang transaction ng bentahan ng droga. Noong dumating na itong si alyas Alfred at saktong nakabili na ang poseur buyer ng mga pulis ay bigla itong nakatunog at agad itong nakatakas, gamit ang van nito,” pahayag ni Palacios.

This material may not be published, broadcast, rewritten, or redistributed. © Copyright 2018 - Qubes Publication and Ads Promotion. All rights reserved.

You may also like...