Breaking News! Bata patay matapos kagatin ng buwaya sa Balabac, Palawan


Patay na ng matagpuan ngayong umaga si Jimlan Rangutan, 16 anyos, residente ng Saraksak, Bgy. Ramos Balabac matapos itong sakmalin ng buwaya kagabi, Lunes.

Namamana alas diyes ng gabi si Jimlan sa kabakawanan kasama ang kuya nito nang bigla itong hinila ng buwaya.

Natagpuan ang bangkay ng biktima kaninang umaga na may kagat umano sa ulo, leeg at iba pang bahagi ng katawan.

Patungo na ang mga pulis sa lugar upang gumawa ng masusing imbestigasyon.

Use of materials from this Website, including any commercial use, reproduction, distribution, re-publication, broadcast, and display or performed, without prior permission of Qubes Publication and Ads Promotion is strictly prohibited.

You may also like...